تسجيل الدخول

مشاهدة النسخة كاملة : الدرس الثالث: بيانُ وُجوبِ طاعةِ اللهِ ورسولِه


عبد الله الداخل
_21 _March _2013هـ الموافق 21-03-2013م, 04:26 PM
الدرس الثالث: بيانُ وُجوبِ طاعةِ اللهِ ورسولِه

طاعةُ اللهِ ورسولِه أصلٌ من أصولِ الدينِ، ولا يكونُ العبدُ مسلمًا حتى ينقادَ لأوامرِ اللهِ ورسولِه، ويعتقدَ وجوبَ طاعةِ اللهِ ورسولِه، وأنَّ مَن أطاعَ اللهَ ورسولَه فاز برِضْوان اللهِ ورحمتِه وفضلِه العظيمِ، ونَجَا من العذابِ الأليمِ، ومَن عَصَى وتولَّى خَسِر الخُسْرانَ المُبين، وعرَّض نفسَه لسَخَطِ اللهِ وعقابِه.
ومن زَعَم أنه يَسَعُه الخروجُ عن طاعةِ اللهِ ورسولِه فهو غيرُ مُسلمٍ.
وقد قال اللهُ تعالى: ﴿وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَلَا مُؤْمِنَةٍ إِذَا قَضَى اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَمْرًا أَنْ يَكُونَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ أَمْرِهِمْ وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا مُبِينًا﴾ [الأحزاب: 36].
وقال تعالى: ﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَلَا تُبْطِلُوا أَعْمَالَكُمْ﴾ [محمد: 33].
وقال تعالى: ﴿وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَالرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ﴾ [آل عمران: 132].
وقال تعالى: ﴿وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَذَلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ (13) وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُ يُدْخِلْهُ نَارًا خَالِدًا فِيهَا وَلَهُ عَذَابٌ مُهِينٌ﴾ [النساء: 13–14].
وقال تعالى: ﴿وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَالرَّسُولَ فَأُولَئِكَ مَعَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنَ النَّبِيِّينَ وَالصِّدِّيقِينَ وَالشُّهَدَاءِ وَالصَّالِحِينَ وَحَسُنَ أُولَئِكَ رَفِيقًا (69) ذَلِكَ الْفَضْلُ مِنَ اللَّهِ وَكَفَى بِاللَّهِ عَلِيمًا﴾ [النساء: 69–70].
وقال تعالى: ﴿وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيمًا﴾ [الأحزاب: 71].
وقال تعالى: ﴿وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَإِنَّ لَهُ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا﴾ [الجن: 23].
وقال: ﴿مَنْ يُطِعِ الرَّسُولَ فَقَدْ أَطَاعَ اللَّهَ﴾ [النساء: 80].
وقال: ﴿وَمَا آتَاكُمُ الرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَاكُمْ عَنْهُ فَانْتَهُوا﴾ [الحشر: 7].
فدلَّت هذه الآياتُ على أن طاعةَ اللهِ ورسولِه واجبةٌ، وأن اللهَ تعالى قد وعَدَ من أطاعَه ورسولَه الفضلَ العظيمَ في الدنيا والآخِرة، وتوعَّد مَن عَصَاه ورسولَه بالعذابِ الأليم.
والطاعةُ تكون بامتثالِ الأمرِ واجتنابِ النَّهْيِ، وهذه هي حَقِيقةُ الدينِ: التَّعبدُ للَّهِ تعالى بفعلِ أوامرِه واجتنابِ نواهيهِ.
وقد يسَّرَ اللهُ لنا الدينَ، ولم يُكلِّفْنا إلا ما نستطيعُ، قال تعالى: ﴿فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ﴾ [التغابن: 16].
وقال تعالى: ﴿لَا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا﴾ [البقرة: 286]، وقال تعالى: ﴿وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِي الدِّينِ مِنْ حَرَجٍ﴾ [الحج: 78]، وعن أبي هُريرةَ رضِي الله عنه أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم قال: ((إنَّ هذا الدينَ يُسْرٌ، ولن يُشادَّ الدينَ أحدٌ إلا غَلَبَهُ)). رواه البخاري
وعن أبي هُريرةَ رضِي الله عنه قال: قال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم: ((ما نَهَيتُكم عنه فاجْتَنِبُوه، وما أَمَرْتُكم به فَأْتُوا منه ما اسْتَطَعْتُم)) متفق عليه.
والأوامرُ التي أمَرَ اللهُ بها وأمَرَ بها رسولُه على ثلاثِ درجاتٍ:
الدَّرَجةُ الأولى: ما يَلْزَمُ منه البقاءُ على دينِ الإسلامِ، وذلك بطاعتِه في توحيدِ اللهِ جل وعلا، والكُفْر بالطاغوتِ، واجتنابِ نواقضِ الإسلامِ.
ومَن خالَفَ في هذه الدرجة فأشرَكَ باللهِ عز وجل أو ارتكَبَ ناقضًا من نواقضِ الإسلامِ كتكذيبِ اللهِ ورسولِه أو الاستهزاءِ بشيءٍ من دينِ اللهِ عز وجل، ونحوِ ذلك من النواقضِ فهو كافرٌ خارجٌ عن ملَّةِ الإسلامِ.
الدَّرَجَةُ الثانيةُ: ما يَسْلَمُ به العبدُ من العذابِ، وهو أداءُ الواجباتِ، واجتنابُ المُحرَّماتِ، فمَن أدَّى هذه الدرجةَ فهو ناجٍ من العذابِ بإذن اللهِ، مَوعودٌ بالثوابِ العظيمِ على طاعتِه، وهذه درجةُ عبادِ اللهِ المُتَّقينَ.
الدَّرَجةُ الثالثةُ: أداءُ الواجباتِ والمُستحبَّاتِ، وتَرْكُ المُحرَّماتِ والمَكْروهاتِ، وهذه درجةُ الكمالِ للعبادِ، وأصحابُها من أهلِ الإحسانِ المَوْعودين بالدرجات العُلَى، نسألُ اللهَ من فَضْلِه.
واللهُ تعالى قد أكمَلَ لنا الدينَ وأتَمَّ علينا نِعْمةَ الإسلامِ، كما قال تعالى: ﴿الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا﴾ [المائدة: 3].
فدِينُ الإسلامِ كامِلٌ، وأحكامُ الشريعةِ شامِلةٌ لجميعِ شُئُونِنا، فلا نَقْصَ فيها، ولا اختلافَ، ولا تَناقُضَ، بل هي شَرِيعةٌ كاملةٌ سَمْحةٌ مُيَسَّرة صالحةٌ لكلِّ زمانٍ ومكانٍ، ومُهَيْمِنَةٌ على جميعِ أحوالِ العبادِ.
فالذي يُطيع اللهَ ورسولَه مُهتدٍ للتي هي أقْومُ في كل شأنٍ من شُئونِه؛ فإن اللهَ تعالى قال: ﴿إِنَّ هَذَا الْقُرْآنَ يَهْدِي لِلَّتِي هِيَ أَقْوَمُ﴾ [الإسراء: 9]، فلا يُمْكِنُ أن ينالَ العبدُ أمْرًا أفضلَ له بمعصيةِ الله عز وجل ومخالفةِ كتابِه.
وقال النبيُّ صلى الله عليه وسلم: ((وإنَّ أحْسَنَ الهَدْيِ هَدْيُ مُحمَّدٍ))
فلا هَدْيَ أحسنُ من هديِه، ولا يمكن أن يَنالَ العبدُ أمرًا أفضلَ له بمخالفةِ هَدْيِ النبيِّ صلى الله عليه وسلم، وإنما كمالُ العبدِ ونجاتُه وسعادتُه ومَبْلَغُ هدايتِه على قَدْرِ اتباعِه للنبيِّ صلى الله عليه وسلم.
قال اللهُ تعالى: ﴿قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ جَمِيعًا الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ فَآَمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ النَّبِيِّ الْأُمِّيِّ الَّذِي يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَكَلِمَاتِهِ وَاتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ﴾ [الأعراف: 158].
فمَن اتَّبَعَ النبيَّ صلى الله عليه وسلم فهو مُهْتدٍ، ومَن عَصَاهُ فقد ضَلَّ.
وقد قال اللهُ تعالى: ﴿وَمَنْ يُشَاقِقِ الرَّسُولَ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ الْهُدَى وَيَتَّبِعْ غَيْرَ سَبِيلِ الْمُؤْمِنِينَ نُوَلِّهِ مَا تَوَلَّى وَنُصْلِهِ جَهَنَّمَ وَسَاءَتْ مَصِيرًا﴾ [النساء: 115].
فكلُّ مَن عصَى اللهَ ورسولَه في أيِّ أمرٍ من الأمورِ فهو فاسقٌ بمعصيتِه ضالٌّ في ذلك الأمرِ، وإن زَعَم أنه يُريدُ تَحْقِيقَ مصلحةٍ أو دَرْءَ مَفْسَدَةٍ؛ فإنَّ المصالحَ لا تَتحقَّقُ بمعصيةِ اللهِ، والمَفَاسِدَ لا تُدْرَأ بالتَّعرُّضِ لسَخَطِ اللهِ.
وكلُّ مَن أمَرَ بمعصيةِ اللهِ ورسولِه وزَيَّنَها للناسِ فهو شَيْطانٌ؛ سواءٌ في ذلك شياطينُ الإنسِ والجنِّ.
وعن عليِّ بنِ أبي طَالِبٍ رضِي الله عنه أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم قال: ((لا طاعةَ لمَخْلوقٍ في مَعْصيةِ اللهِ)) رواه أحمدُ ومُسلمٌ.
وهذا يَشْمَلُ جميعَ مَن أمَرَ بمعصيةِ اللهِ في أمورِ العقيدةِ أو العبادات أو المُعاملات أو غيرِها من شُئونِ العبادِ.
وكلُّ مَن دَعَا إلى بِدْعَةٍ ومَنْهَجٍ غيرِ منهجِ النبيِّ صلى الله عليه وسلم فهو ضالٌّ مُضِلٌّ، وقد قال اللهُ تعالى: ﴿وَأَنَّ هَذَا صِرَاطِي مُسْتَقِيمًا فَاتَّبِعُوهُ وَلَا تَتَّبِعُوا السُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمْ عَنْ سَبِيلِهِ ذَلِكُمْ وَصَّاكُمْ بِهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾ [الأنعام: 153].

أبو سلمى
_26 _March _2013هـ الموافق 26-03-2013م, 08:29 PM
Ikatlong pag-aaralan:


pagka-ubligado ng pagsunod kay Allah at pagsunod sa kanyang sugo


Ang pagsunod kay Allah at pagsunod sa kanyang sugo ay isang ugat mula sa mga ugat ng relihiyon, at hindi magiging muslim ang isang tao hangga't hindi siya susuko sa mga utos ni Allah at sa mga utos ng kanyang sugo, isipin niyang ubligado siyang sundin si Allah at ang kanyang sugo, at sinuman ang susunod kay Allah at sa kanyang sugo ay makakamit niya ang pagmamahal ni Allah at ang kanyang habag at biyayang malaki mula sa kanya, at siya'y maging ligtas mula sa mahapding kaparusahan, at sino naman susuway kay Allah at sa kanyang sugo at tatalikod; siya'y sadyang mapapahamak ng malinaw na malinaw na kapahamakan, at sadyang iniloklok niya ang kanyang sarili sa galit at kaparusahan mula kay Allah.
At sinuman ang mag-iisip na siya'y maaaring lumabas sa mga utos ni Allah at sa mga utos ng kanyang sugo ay siya'y hindi muslim. Sinabi ni Allah ((At hindi marapat sa sinumang mananampalataya, lalaki man o babae, na kapag nagpasiya ang Allâh at ang Kanyang Sugo para sa kanila ng isang kapasiyahan bilang batas ay lalabag sila, na pipiliin nila ang anumang hindi pinagpasiyahan para sa kanila. At ang sinumang lalabag sa Allâh at sa Kanyang Sugo ay walang pag-aalinlangang lumayo sa Tamang Landas nang malinaw na pagkakalayo))(Al-ahza'b :36)
Sinabi ni Allah ((Oh, kayong mga naniwala sa Allâh at sumunod sa Kanyang Sugo! Sundin ninyo ang Allâh at ang Kanyang Sugo sa pag-uutos at pagbabawal nilang dalawa, at huwag ninyong sirain ang gantimpala ng inyong mga gawain dahil sa inyong di-paniniwala at paglabag)) (Muhammad : 33)
Sinabi ni Allah ((At sundin ninyo ang Allâh, Oh, kayong mga naniwala sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng Kanyang ipinag-uutos, at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal – na katulad ng pagkain mula sa kinita sa patubuan at iba pa; at sumunod kayo sa Sugo upang kaawaan kayo ng Allâh at hindi kayo paparusahan)) (Ale-emra'an : 132).
sinabi ni Allah ((At sinuman ang susunod sa Allâh at sa Kanyang Sugo, mula sa Kanyang mga alipin, hinggil sa mga isinagawa Niyang batas at iba pa, ay papapasukin Niya sa Kanyang mga Hardin (‘Al-Jannât’) na may maraming puno at mga palasyo, na sa ilalim nito ay may umaagos na mga ilog-tabang. At sila ay mananatili roon sa lubos na kaligayahan at hindi na sila lalabas pa mula roon magpakailanman. Ang gantimpalang yaon ang siyang pinakadakilang tagumpay. At sino naman ang lalabag sa Allâh at sa Kanyang Sugo sa pamamagitan ng pagtanggi sa mga batas ng Allâh at paglabag sa anumang itinalaga Niyang batas para sa Kanyang mga alipin sa pamamagitan ng pagbabago nito, o di kaya ay pagwawalang-halaga nito, ay papapasukin Niya sa Impiyerno, na siya ay mananatili roon at ang para sa kanya ay kaparusahan na siyang magpapahiya at magpapahamak sa kanya)) (An-nisa'a : 13-14)
Sinabi ni Allah ((At sinuman ang susunod sa mga kautusan ng Allâh at sa patnubay ng Kanyang Sugong si Propeta Muhammad, ay itinaas nila ang kanilang mga antas at kabilang sila sa mga hanay ng mga biniyayaan ng Allâh at pinagkalooban ng ‘Al-Jannah’ (Hardin), na mga propeta, mga matutuwid na mga naniwala nang buong katapatan, at mga ‘Shuhadah’ (namatay nang alang-alang sa Allâh), at mga mabubuting mananampalataya, na sila ang mga pinakamabubuting kasamahan sa ‘Al-Jannah’ (Hardin). Iyan ang kagandahang-loob mula sa Allâh na Nag-iisa at Bukod-Tangi, at sapat na ang Allâh bilang Ganap na Nakababatid ng lahat, batid Niya ang mga pangyayari sa Kanyang mga alipin at kung sinuman sa kanila ang karapat-dapat na pagkalooban ng masaganang gantimpala dahil sa kanyang mga mabubuting nagawa)) ( An-nisa'a :69-70)
Sinabi ni Allah ((At ang sinumang susunod sa Allâh at sa Kanyang Sugo sa anuman na Kanyang pag-uutos at pagbabawal ay katiyakang magkakamit siya ng dakilang parangal dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay))(Al-ahza'ab:71)
Sinabi ni Allah ((At sinuman ang lalabag sa Allâh at sa Kanyang Sugo, at tatalikod sa ‘Deen’ ng Allâh, walang pag-aalinlangang ang kanyang kabayaran ay Impiyernong-Apoy na kailanma’y hindi na siya makalalabas pa mula roon.((Al-jinn : 23)
Sinabi ni Allah ((Sinuman ang sumunod sa Sugong si Propeta Muhammad at isasagawa ang kanyang katuruan, katiyakang sinunod niya ang Allâh at isinagawa niya ang Kanyang ipinag-utos))(An-nisa'a : 80)
Sinabi ni Allah ((At anumang ipinagkaloob ng Sugo sa inyo na yaman o di kaya ay Batas na itinala para sa inyo ay panghawakan ninyo, at ang anumang ipinagbawal Niya sa inyo na huwag kunin o di-ipagawa ay iwasan ninyo)) (Al-hashr :7)
Ang mga salita ni Allah na ito ay nagpapahayag ng kahalagaan ng pagsunod sa kanya at sa kanyang sugo, at nangako ang Allah sa sinumang susunod sa kanya at sa kanya ng sugo ng malaking biyaya dito sa daigdig at sa kabilang-buhay, at nangako rin ang Allah sa sinumang susuway sa kanyang propeta ng masakit sa kaparusahan.Katunayan ang Allah ay ginawang magaan ang relihiyon para sa atin, at hindi ipinag-utos sa atin ang mga bagay na hinid natin makakayanan, sinabi ni Allah ((Na kung kaya, lubusin ninyo, Oh, kayong mga mananampalataya, ang inyong kakayahan sa pagkatakot sa Allâh sa lahat ng pagkakataon)) (At-taghaboon : 16)
Sinabi ni Allah ((hindi ipinag-utos ng Allâh sa Kanyang mga alipin ang mga bagay na hindi nila makakayanan)) (Al-baqarah : 286) sinabi ni Allah ((walang anumang pagmamalupit at pagpapahirap sa anumang ipinag-uutos at mga alituntunin ng relihiyon)) ( Al-hajj: 78)
hadith mula kay Abu huraira (radhiyallahu anhu) katotohanan ang propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay nagsabi : (( katotohanan ang relihiyong ito ay magaan, walang sinuman na hihigpit sa relihiyon kundi siya'y matatalo)) iniulat ni Al-bukhari
Hadith mula kay Abi huraira (radhiyallahu anhu) siya'y nagsabi: sabi ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam): (( kung ano ang ipinag-bawal ko sa inyo ay iwasan ninyo, at ano naman ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo sa abot ng inyong makakaya)) iniulat ni Al-bukhari at Muslim
ang mga utos na ipinag-utos ni Allah at ipinag-utos ng kanyang sugo ay nasa tatlong antas:
unang antas: mga bagay na sa kanya nanatili ang pagka-islam ng tao, yan ay yaong pagsunod kay Allah sa pamamagitan ng "Tawheed" pagpapakaisa kay Allah, at pagtalikod sa mga sinasambang mga diyos-diyusan, at pag-iwas sa mga nakakasira sa islam At sinuman ang tatalikod sa antas na ito; siya'y sumamba ng iba bukod kay Allah, o di-kaya siya'y gumawa ng isa sa mga nakakasira sa islam tulad halimbawa ng pagpapasinungaling kay Allah at sa kanyang sugo, o di-kaya'y ininsulto niya ang isa mga pangaral ng islam, o iba pa na nakakasira ng islam ay siya'y magiging "kafir" labas sa relihiyong islam.
Ikalawang-antas: mga bagay na siyang magpapaligtas sa tao mula sa kaparusahan, at yon ay yaong pag-sasagawa ng mga ubligdong bagay sa islam, at pag-iwas sa mga ipinag-babawal, kaya kung sinuman ang gagawa sa antas na ito ay siya'y makakaligtas sa kaparusahan at may malaking biyayang naghihintay sa kanya dahil sa pagsunod niya, at ito ang antas ng mga may takot kay Allah.
Ikatlong-antas : ang pagsasagawa ng mga ubligadong gawain at mga kusang-gawa, at pag-iwas sa mga ipinagbabawal at mga kinamumuhian, at ito ang antas na ganap para mga mananampalataya, at ang mga tao sa antas na ito ay sila ang nagmamay-ari ng pikamataas na antas ng gawa at pagsamba "ihsan", at sa kanila ang pangako ni Allah na napaka-taas na uri at marangal na biyaya. Ang Allah ay kinumpleto niya ang ating relihiyon at binuo niya sa atin ang biyayang islam, sinabi ni Allah ((Sa araw na ito ay kinumpleto Ko nang ganap para sa inyo, ang inyong (Deen,) relihiyon, na ito ay (Deen Al-Islâm,) relihiyong islam sa pamamagitan ng pagkapanalo ninyo sa inyong mga kalaban at pagsasabuo ng batas nito, binuo Ko sa inyo ang Aking biyaya sa pamamagitan ng pag-aalis ninyo sa kadiliman ng kamangmangan patungo sa liwanag ng pananampalataya; at pinili Ko para sa inyo ang Islâm bilang inyong (Deen) relihiyon)) (Al-ma'idah : 3) kaya ang relihiyong islam ay relihiyong kumpleto, at ang mga hatul o panuto nito ay ganap at sakop niya ang lahat ng bahagi ng buhay, wala itong kulang, walang pagkakaibahan, at walang magkasalungat dito, sapagkat ito'y kumpletong batas magaan, madali, nababagay sa lahat ng panahon at lugar, at siya ang nagmamasid sa lahat ng galaw ng mga alipin ni Allah.
Ang sumusunod kay Allah at kanyang sugo ay may matuwid na patnubay sa lahat ng bahagi ng kanyang pamumuhay, sinabi ni Allah (( katiyakan ang banal na Qur-an na ito ay pinapatnubayan ang mga tao tungo sa pinakamabuting pamamaraan)) (Al-isra'a: 9) hindi makakamit ng tao ang nakakabuti sa kanya sa pamamagitan ng pag-suway kay Allah at pagtalikod sa mga utos ng kanyang aklat, sinabi ni propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) :(( katunayan ang pinaka-magandang patnubay ay ang patnubay ni Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam). Kaya wala ng patnubay na hihigit pa sa kanyang patnubay, hindi makakamit ng tao ang makakabuti sa kanya kung sasalungatin niya ang patnubay ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam), ang kakumpletuhan ng tao at kaligtasan niya at kasiyahan niya at ganap na patnubay niya ay nakasasalay sa laki ng kanyang pagsunod kay propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam). Sinabi ni Allah :(( Sabihin mo, Oh Muhammad, sa mga tao, lahat sila: “Katiyakan, ako ay Sugo ng Allâh sa inyong lahat, na ito ay para sa lahat-lahat at hindi sa iilan lamang – na Siya, ang Allâh ang Nagmamay-ari ng buong kalangitan at ng kalupaan at ng anumang mga nasa loob nito. Walang sinuman ang ‘ilâh’ o diyos na sinasamba o dapat na pag-ukulan ng bukod-tanging pagsamba kundi Siya lamang, Siya lamang ang may karapatan nito at karapat-dapat para rito, ang Kapuri-puri at Kataas-taasan, na Makapangyarihan sa pagsagawa ng Kanyang nilikha, na Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan at magbubuhay na mag-uli (sa lahat).“Na kung kaya, maniwala kayo sa Allâh at tanggapin ninyo ang Kanyang Kaisahan sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya nang bukod-tangi at sundin ninyo ang Kanyang Sugo na si Muhammad, ang Propetang hindi marunong bumasa’t sumulat, na siya (Muhammad) ay naniwala sa Allâh at sa anumang ipinahayag Niya sa kanya, at sa anumang ipinahayag sa mga Propeta na nauna kaysa sa kanya, at sundin ninyo ang Sugong ito at ipatupad ninyo ang pagsagawa ng lahat ng anumang ipinag-utos niya sa inyo bilang pagsunod sa Allâh; at paghahangad na kayo ay gabayan sa Matuwid na Landas)) (Al-a'ra'f : 158)
Sinuman ang susunod kay propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay nasa kanya ang patnubay, at sino naman susuway kay propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay talagang naligaw sa landas, katiyakan sinabi ni Allah :(( At sinuman ang sumalungat sa Sugo ng Allâh, pagkatapos naipahayag sa kanya nang malinaw ang katotohanan at sumunod siya sa ibang landas kaysa sa landas ng mga mananampalataya at sa anumang nasa kanilang katotohanan, pababayaan Namin siya sa landas na kanyang tinahak at hindi Namin siya gagabayan sa kabutihan; at pagkatapos ay ipapasok Namin siya sa Impiyernong-Apoy at malalasap niya ang lagablab nito – anong napakasamang patutunguhan))(An-nisa'a:115)
Lahat ng sumuway kay Allah at sa kanyang sugo kahit sa anong bagay mula sa mga ipinag-utos ay mga makasalanan dahil sa pag-suway niya, naligaw sa bagay iyon.kahit sabihin pa niyang kabutihan ang kanyang hangarin o di-kaya'y paglilinis ng kasamaan, dahil ang kabutihan ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng pag-suway sa ipinag-utos ni Allah, at ang kasamaan ay hindi nalilinis sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga kinamumuhian ni Allah. At lahat ng nag-uutos ng salungat sa mga ipinag-utos ni Allah at ipinag-utos ng kanyang sugo at ito'y pinapaganda pa niya sa mga tao ay siya'y "Shaytan" satanas, maging taong Shaytan man siya o Jinn. Hadith mula kay Ali bin abi Talib (radhiyallahu anhu) ang propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay nagsabi :(( hindi susundin ang nilikha sa pagsusuway kay Allah)) iniulat ni Ahmad at Muslim.At iyan ay nasasakop niya ang sinumang mag-utos ng kasalungatan ng mga utos ni Allah, sa paninindigan man ito o sa mga samba o sa gawain pang-kabuhayan o kahit na saan bahagi sa mga kilos ng tao, at sinuman ang mag-anyaya tungo sa pagbabago sa mga katuruan at mag-anyaya sa pamamaraang sangulat sa pamamaraan ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay siya'y naligaw at nanliligaw, katiyakan ang Allah ay nagsabi :(( At kabilang sa mga ipinayo ng Allâh sa inyo, na ang Islâm na ito ang Daan na Matuwid tungo sa Allâh, na kung kaya, ito ang sundin ninyo at huwag ninyong sundin ang iba’t ibang daan ng pagkaligaw, dahil magkakawatak-watak kayo at ilalayo kayo sa Matuwid na Landas ng Allâh. Itong pamamatnubay na ito ay tungo sa Matuwid na Landas na kung saan ito ang iginabay ng Allâh sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal ))(Al-an-a'm: 153)