مشاهدة النسخة كاملة : الدرس الاول بيان معنى شهادة ان لا اله الا الله
عبد الله الداخل
_21 _March _2013هـ الموافق 21-03-2013م, 04:22 PM
معْنَى الشهادتين
الشهادتان هما: شهادةُ أن لا إلهَ إلا اللهُ، وشهادةُ أن مُحمَّدًا رسولُ اللهِ.
وهما أصلُ دينِ الإسلامِ ورُكْنُه الأولُ الذي به يَدْخُلُ العبدُ في دينِ الإسلامِ، فمَن لم يَشْهدِ الشهادتين فليسَ بمُسْلمٍ.
عن عبدِ اللهِ بنِ عُمرَ رضِي اللهُ عنهما عن النبيِّ صلى اللهُ عليه وسلَّم أنه قال: ((بُنِي الإسلامُ على خَمْسٍ: شهادةِ أن لا إله إلا اللهُ وأن مُحمَّدًا رسولُ اللهِ، وإقامِ الصلاةِ، وإيتاءِ الزكاةِ، وحَجِّ البيتِ، وصومِ رمضانَ)). متفق عليه.
فكان أوَّلُ ما يَجِبُ على العبدِ تعلُّمُه من دينِ الإسلامِ هو أصلَه الأَوَّلَ، فيَعْرِفُ معنى الشهادتين وأحكامَهما.
ولما بَعَثَ النبيُّ صلَّى الله عليه وسلم معاذَ بنَ جَبَلٍ إلى اليمنِ داعياً ومعلِّماً قال له: ((إنَّك تأتي قوماً من أهلِ الكتابِ فَادْعُهم إلى شهادةِ أنْ لا إلهَ إِلا الله وَأني رسولُ اللهِ؛ فإِنْ هُمْ أطاعوا لِذلكَ فأَعْلِمْهم أنَّ اللهَ افْتَرضَ عليهم خمسَ صَلَوَاتٍ في كلِّ يومٍ وَليلةٍ)) .. الحديث، رواه مسلم من حديث ابن عباس.
ورواه البخاري أيضاً ولفظه: ((فليكن أوَّلَ ما تدْعوهم إلى أن يوحِّدوا اللهَ))
وبيان ذلك أيضاً في حديثِ جِبْريلَ الطويلِ الذي سأل فيه النبيَّ صلى الله عليه وسلم عن مَرَاتِبِ الدِّينِ: الإسلامِ والإيمانِ والإحسانِ، ثم قال النبيُّ صلى الله عليه وسلم لأصحابه كما في آخِرِ الحديثِ: (( هذا جِبْريلُ أتاكم يُعلِّمُكم دِينَكُم )).
فأوَّلُ ما يَجِبُ تَعلُّمُه من أُمورِ الدينِ ما تَضَمَّنَه حديثُ جبريلَ، وأوَّلُ مرتبة من مراتب الدين مرتبة الإسلام، وأول ركن من أركان الإسلام: الشهادتانِ.
الدرس الأوَّل: بيانُ معنَى شهادةِ أن لا إلهَ إلا اللهُ
(لا إلهَ إلا اللهُ) أي لا مَعْبودَ بحقٍّ إلا اللهُ.
والإلهُ: هو المألوهُ، أي المَعْبودُ.
فكلُّ ما يُعْبَدُ من دونِ اللهِ فعبادتُه باطلةٌ، وَمَن عبدَ غيرَ اللهِ فهو مُشرِكٌ كافِرٌ، كما قال اللهُ تعالى:﴿وَمَنْ يَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَهًا آخَرَ لَا بُرْهَانَ لَهُ بِهِ فَإِنَّمَا حِسَابُهُ عِنْدَ رَبِّهِ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ﴾ [المؤمنون: 117].
فلا يَجوزُ أن يُعبَدَ مع اللهِ أحَدٌ، لا نَبِيٌّ مُرسَلٌ، ولا مَلَكٌ مُقرَّبٌ، ولا وَلِيٌّ من الأولياءِ الصالحين، ولا شَجَرٌ ولا حَجَرٌ، ولا غيرُ ذلك؛ لأن العبادةَ حقٌّ للهِ وحدَه، خَلَقَنا لأجلِها كما قال تعالى: ﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ (56)﴾ [الذاريات: 56].
وقال تعالى: ﴿قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ﴾ [الإخلاص: 1].
وقال: ﴿وَإِلَهُكُمْ إِلَهٌ وَاحِدٌ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ الرَّحْمَنُ الرَّحِيم (163)﴾ [البقرة: 163].
وقال: ﴿هُوَ الْحَيُّ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ فَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ﴾ [غافر: 65].
وهذا هو معنَى التَّوْحيدِ، وهو إفرادُ اللهِ بالعبادةِ، فلا نَعْبُدُ إلا اللهَ وحدَه لا شريكَ له.
وبهذا التوحيدِ الذي هو معنَى (لا إلهَ إلا اللهُ) بَعَثَ اللهُ الرُّسلَ كلَّهم؛ قال اللهُ تعالى: ﴿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ (25)﴾ [الأنبياء: 25].
وقال: ﴿وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ﴾ [النحل: 36].
وقد قَصَّ اللهُ علينا في كتابِه الكريمِ أنباءَ الرُّسلِ معَ أقوامِهم ، وبَيَّن لنا أنَّ أوَّلَ دعوةَ الرُّسُلِ كانت إلى توحيدِ اللهِ عزَّ وجلَّ، وبَيَّن لَنا عُقبَى المؤمنين الذين استجابوا لدعوةِ المُرْسَلين؛ وعاقبةَ الذين كَذَّبوا الرُّسلَ وأشركوا باللهِ ما لم يُنزِّلْ به سُلطانًا.
ــ قال اللهُ تعالى: ﴿لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَى قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ (59)﴾ [الأعراف: 59].
ــ وقال: ﴿وَإِلَى عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَهٍ غَيْرُهُ أَفَلَا تَتَّقُونَ(65)﴾ [الأعراف: 65].
ــ وقال: ﴿وَإِلَى ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَهٍ غَيْرُهُ﴾ [الأعراف: 73].
ــ وقال: ﴿وَإِلَى مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَهٍ غَيْرُهُ﴾ [الأعراف: 85].
ــ وقال: ﴿وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ إِنَّنِي بَرَاءٌ مِمَّا تَعْبُدُونَ (26) إِلَّا الَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُ سَيَهْدِينِ (27)﴾ [الزخرف: 26-27].
ــ وقال: ﴿أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ الْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنْ بَعْدِي قَالُوا نَعْبُدُ إِلَهَكَ وَإِلَهَ آبَائِكَ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ إِلَهًا وَاحِدًا وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ﴾ [البقرة: 133].
ــ وقال يوسف عليه السلام: ﴿أَأَرْبَابٌ مُتَفَرِّقُونَ خَيْرٌ أَمِ اللَّهُ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ (39)﴾ [يوسف: 39].
وكذلك كانت دعوةُ النبيِّ صلى الله عليه وسلم إلى العالمين، كما قال الله تعالى: ﴿وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِلْعَالَمِينَ (107) قُلْ إِنَّمَا يُوحَى إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَهُكُمْ إِلَهٌ وَاحِدٌ فَهَلْ أَنْتُمْ مُسْلِمُونَ (108)﴾ [الأنبياء: 107-108].
وقد بدأ النبيُّ صلى الله عليه وسلم دعوةَ قومِه بمَكَّةَ إلى التوحيدِ، فدعاهم إلى أن يقولوا: (لا إلهَ إلا اللهُ) ويَجْتنبُوا عِبادةَ الأصنامِ، فاستكبَرَ أكثرُهم وأَبَوْا أن يُجِيبوه إلى كلمةِ التوحيدِ؛ فكانوا كما قال اللهُ تعالى: ﴿إِنَّهُمْ كَانُوا إِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ يَسْتَكْبِرُونَ (35) وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُو آلِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَجْنُونٍ (36)﴾ [الصافات: 35–36]. فردَّ اللهُ عليهم بقولِه: ﴿بَلْ جَاءَ بِالْحَقِّ وَصَدَّقَ الْمُرْسَلِينَ (37)﴾ [الصافات: 37].
فكلمةُ التوحيدِ هي كلمةُ الحقِّ التي دعا إليها المرسلون قبلَ النبيِّ صلى الله عليه وسلم، وهي دَعوةُ رسولنِا صلى الله عليه وسلم.
وقد فَهِم كُفَّارُ قُرَيشٍ أن الدعوةَ إلى التوحيدِ تَعْنِي تَرْكَ عبادةِ ما يَعْبُدون من دونِ اللهِ تعالى؛ فلا يَتَحَقَّقُ التوحيدُ إلا باجتنابِ الشِّركِ، وهذا هو معنَى (لا إلهَ إلا اللهُ).
وعن عُمَر بنِ الخَطَّاب رضِي الله عنه أن الرسولَ صلى الله عليه وسلم قال: ((أُمِرْتُ أن أُقاتِلَ الناسَ حتى يقولوا: (لا إلهَ إلا اللهُ) فمَن قال: (لا إلهَ إلا اللهُ) عَصَم مِنِّي مالَه ونَفْسَه إلا بحَقِّه، وحسابُه على اللهِ))متفق عليه.
ولمَّا بَعَثَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم برسائلِه إلى المُلوكِ دَعَاهم إلى توحيدِ اللهِ عز وجل؛ فعن ابنِ عَبَّاسٍ رضِي الله عنهما أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم أرسَلَ إلى هِرَقْلَ مَلِكِ الرُّومِ: ((بسم الله الرحمن الرحيم، من مُحمَّدٍ رسولِ اللهِ إلى هِرَقْلَ عَظيمِ الرُّومِ، سَلامٌ على مَن اتَّبَعَ الهُدَى أمَّا بعدُ:
فإنِّي أدعوكَ بدِعايةِ الإسلامِ، أَسْلِمْ تَسْلَمْ، وأَسْلِمْ يُؤْتِكَ اللهُ أجْرَك مَرَّتين، فإن تَوَلَّيْتَ فإنَّ عليكَ إِثْمَ الأَرِيسِيِّينَ، و﴿يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَى كَلِمَةٍ سَوَاءٍ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ﴾ [آل عمران: 64])). متفق عليه.
وبَعَثَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم بنحوِ هذه الرسالةِ إلى كِسْرَى مَلِك الفُرْسِ، وإلى المُقَوْقِسَ مَلِك القِبْط، وإلى مَلِكِ الحَبَشَة، وإلى جَيْفَرٍ وعِيَاذٍ ابنَي الجُلَنْدَى بعُمَان، وإلى هَوْذَةَ بن علي باليَمامة، وإلى المُنْذِر بن سَاوَى بهَجَر، وإلى ابنِ أبي شَمِر الغَسَّاني، وهؤلاء هم المُلوكُ في زمانِه صلى الله عليه وسلم.
وفي صحيحِ مُسلمٍ من حديثِ أنسِ بن مالِكٍ رضِي الله عنه أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم كتَبَ إلى كلِّ جَبَّار (أي مَلِكٍ) يَدْعُوهم إلى اللهِ تعالى.
وعن ابن عبَّاسٍ رضِي الله عنهما أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم لَمَّا بعَثَ مُعاذًا إلى اليَمَن قال له: ((إنَّك تَقْدَمُ على قَوْمٍ من أهلِ الكتابِ، فَلْيَكُنْ أَوَّلَ ما تدعوهم إلى أن يُوحِّدوا اللهَ)).
فتوحيدُ اللهِ تعالى هو مِفْتاحُ الدخولِ في الإسلامِ، وبدونِه لا يكون المَرْءُ مُسلمًا، وإذا ارْتَكَبَ العبدُ ما يَنْقُضُ هذا التوحيدَ فهو كافرٌ مشركٌ خارجٌ عن مِلَّةِ الإسلامِ.
وعن مُعاذِ بن جَبَل رضِي الله عنه أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم قال له: ((يا مُعاذُ، أتدري ما حَقُّ اللهِ على العِبَادِ؟))
قال مُعاذٌ: اللهُ ورسولُه أعلمُ.
قال: ((حقُّ اللهِ على العبادِ أن يَعْبدوه ولا يُشرِكوا به شيئًا))
ثم قال له: ((يا مُعاذُ، أتدري ما حقُّ العبادِ على اللهِ إذا فعلوا ذلكَ؟))
قال معاذٌ: اللهُ ورسولُه أعلمُ.
قال: ((حقُّ العبادِ على اللهِ إذا فعلوا ذلك أن لا يُعَذِّبَهم)). متفق عليه.
فإذا شَهِدَ العبدُ أن لا إله إلا اللهُ؛ فقد شَهِدَ ببُطلانِ ما يُعْبَدُ من دونِ اللهِ عز وجل، وشَهِدَ على نفسِه أن لا يَعْبُدَ إلا اللهَ عز وجل مُخْلِصًا له الدينَ.
وهذا هو الإسلامُ الذي أمَرَ اللهُ به، قال اللهُ تعالى: ﴿قُلْ إِنِّي نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَمَّا جَاءَنِيَ الْبَيِّنَاتُ مِنْ رَبِّي وَأُمِرْتُ أَنْ أُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ (66)﴾ [غافر: 66].
وقال اللهُ تعالى: ﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ وَذَلِكَ دِينُ الْقَيِّمَةِ﴾ [البينة: 5].
وقال تعالى: ﴿فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ﴾ [غافر: 14].
وقال تعالى: ﴿قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي شَكٍّ مِنْ دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ (104) وَأَنْ أَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ (105) وَلَا تَدْعُ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَ فَإِنْ فَعَلْتَ فَإِنَّكَ إِذًا مِنَ الظَّالِمِينَ (106)﴾ [يونس: 104-106].
الخُلاصة:
• معنَى (لا إله إلا الله ) أي: لا مَعْبودَ بحقٍّ إلا اللهُ.
• لا يَتحقَّقُ التوحيدُ إلا باجتنابِ الشركِ.
• الغايةُ التي خُلِقنا من أجلِها: عبادةُ اللهِ وحدَه لا شريكَ له.
• مَن عَبَد غيرَ اللهِ فهو مُشرِكٌ كافرٌ.
• كلُّ رسولٍ دعا قومَه إلى التوحيدِ واجتنابِ الشِّرْكِ.
• أصْلُ دعوةِ النبيِّ صلى الله عليه وسلم إلى التوحيدِ، فبدأ بدَعْوةِ قومِه إلى التوحيدِ، وأرسَلَ إلى الملوكِ يَدْعُوهم إلى التوحيدِ، وأَمَر أصحابَه أن تكونَ أوَّلُ دعوتِهم إلى التوحيدِ.
• التوحيدُ هو حقُّ اللهِ على العِباد.
• مَن لم يُوحِّد اللهَ فليسَ بمسلمٍ، وإنْ زَعَم أنه مُسْلِمٌ.
أبو سلمى
_23 _March _2013هـ الموافق 23-03-2013م, 10:07 PM
Ang Shahadata'an (Ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya)
Ang dalawang pagsaksi ay ang : pagsaksi ng walang diyos na nararapat sambahin kundi ang Allah lamang, at ang pagsaksi na si Muhammad(Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay sugo ng Allah.
Ito ang diwa ng islam at una niyang haligi at sa pamamagitan niya nakakapasok ang alipin sa relihiyong islam, sino man ang hindi magsaksi nito ay hindi magiging muslim.
Hadith mula kay Abdullah bin Omar (radhiya-Allahu anhuma) ang propeta ( Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay nagsbi: (( ang islam ay binuo sa limang haligi: Ang pagsaksi ng walang diyos na dapat sambahin kung ang Allah lamang at si Muhammad ay sugo ng Allah; Ang pagsasagwa ng SALAAH ( ang pagdadarasal ); Ang pagbibigay ng Zakat ( itinakdang kawanggawa); Ang pag-HAJJ; Ang pag-aayuno)). Iniulat ni Bukhari at Muslim.
Kaya ang dapat na unang pag-aralan ng tao sa Islam ay ang una niyang haligi, Alamin niya ang kahulugan ng SHAHADATA'AN(ang dalawang pagsaksi sa pananampalataya) at ang mga hatul nito.
Nang pinadala ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) si Muadz bin Jabal dun sa yemen upang mag-anyaya at magturo sinabi ng propeta sa kanya: (( ikaw ay darating sa mga taong angkan ng kasulatan ( AHLUL KITAB) anyayain mo silang magsaksi ng walang diyos na dapat sambahin kundi ang Allah lamang at ako ay sugo ng Allah; at kung sila'y maniwala dito sabihin mo sa kanila na ang Allah ay nag-utos ng limang pagdarasal sa loob ng isang araw.)) iniulat ni Muslsim, mula sa hadith ni ibno Abbas.
Sa ulat ni Al-Bukhari ( unang ianyaya mo sa kanila ay ang kaisa-isahan ng Allah) at yan makikita rin sa mahabang hadith ni JEBREEL nang tanungin niya ang propeta tungkol sa kabuuan ng relihiyon : Ang Islam, Ang Iman, Ang Ihsan. At sa huling hadith sinabi ng propeta sa kanyang mga kasamahan ( yon si JEBREEL dumating sa inyong nagtuturo ng inyong relihiyon.
Kaya ang unang dapat na alamin mula sa kabuuan ng relihiyon ay ang napapaluob sa hadith ni JEBREEL, at ang unang kabuuan ng relihiyon ay ang Islam, at ang unang haligi nito ay ang SHAHADATA'AN (ang dalawang pagsaksi sa pananampalataya).
Unang Pag-aaralan:
LA-ILAHA-ILLALLAH : walang diyos na dapat sambahin kundi ang Allah lamang.
ILAH: wikang arabik na ang kahulugan ay sinasamba.
Lahat ng sinasambang maliban sa Allah ay huwad na sinasamba, at sinumang sasamba ng iba bukod sa Allah ay paganong kafir, sinabi ng Allah ((At ang sinumang sasamba ng iba bukod sa Allâh na Bukod-Tangi, na siya ay walang anumang katibayan na ito ay karapat-dapat na sambahin, walang pag-aalinlangan, ang kabayaran ng kanyang masamang gawain ay nasa kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa Kabilang-Buhay. Katiyakang walang tagumpay, walang kaligtasan, sa mga di-naniwala sa Araw ng Muling Pagkabuhay))(Al-mu'minoon: 117)
Walang maaaring sambahin bukod kay Allah, walang propetang sugo,at walang anghel na malalapit, at walang mabubuting tao, at walang punong kahoy at walang bato, at walang kahit ano pa; sapagkat ang pagsamba ay tanging karapatan lamang ni Allah nag-iisa lamang siya, tayo'y kanyang nilikha upang siya'y ating sambahin. Sinabi ni Allah ((At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa))(Az-zariya'at:56).
Sinabi ni Allah ((Sabihin mo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam): “Siya ang Allâh (subhanaho wa ta'ala) na ‘Ahad’ – Bukod-Tangi na ang pagsamba ay para lamang sa Kanya, na wala Siyang katambal na kahit na sinuman)).(Al-ikhlas : 1)
Sinabi ni Allah (( Ang iyong ilah ( diyos na sinasamba) ay nag-iisang ilah (diyos) lamang, ang Allah; walang dapat na sambahin kundi siya lamang, ang pinakamahabagin, at napakamaawain at ganap na mapagmahal))( Al-baqarah : 163)
At sinabi ng Allah ((Ang Allâh, Siya ay ‘Al-Hayy’ – ang Walang-Hanggang Buhay, nasa sa Kanya ang ganap at buong kahulugan ng pagkabuhay na angkop na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan, na walang sinuman ang bukod-tanging may karapatan at karapat-dapat lamang na sambahin bukod sa Kanya, na kung kaya, humiling kayo sa Kanya at ituon ninyo ang pagsamba sa Kanya na Bukod-Tangi at maging taos-puso sa inyo ang pagsunod sa Kanyang ‘Deen’(relihiyon) at kautusan)).(Al-ghafir:65)
At yan ang kahulugan ng TAWHEED, ang pagsamba ng nag-iisang dakilang diyos ang Allah (Subhanahu wa Ta'ala),at wala tayong dapat na sambahin kundi siya lamang ang nag-iisang"ALLAH" at walang katambal na kahit sinuman.
At sa TAWHEED na yan na siyang kahulugan ng LA-ILAHA-ILLA-ALLAH ang siyang ipinag-utos ng Allah sa lahat ng kanyang mga propeta at sugo; sinabi ni Allah ((At wala Kaming ipinadala sa Sugo na nauna sa iyo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), kundi nagpahayag Kami sa kanya, na katiyakang walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin bukod sa Allâh (Subhanahu wa Ta'ala), na kung kaya, maging taimtim sa pagsamba nang bukod-tangi lamang na para sa Kanya)) (Al-anbiya'a:25) .
At sinabi ni Allah ((At katiyakan, nagpadala Kami sa bawa’t sambayanan na mga nauna, ng Sugo na nag-uutos sa kanila sa pagsamba kay Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) at bukod-tanging pagsunod sa Kanyang kagustuhan at pag-iwas sa pagsamba ng iba bukod sa Kanya, na tulad ng mga ‘Shaytân,’ mga rebulto at mga patay at anuman bukod sa mga ito na sinasandalan ng sinuman bukod sa Allâh)).(An-nahl:36)
Ang Allah ay nagkuwento sa atin tungkol sa usapin ng mga propeta at ang kanyang sambayanan, at ipinahayag sa atin na ang unang anyaya ng mga propeta ay ang TAWHEED (ang kaisa-isahan lamang ng ALLAH), at sinabi rin sa atin ang hantungan ng mga taong sumunod sa kautusan at tumanggap sa anyaya ng mga propeta, at kung ano naman ang naging hantungan at parusa sa mga taong nagpasinungaling sa mga propeta at sumamba ng iba bukod kay Allah (Subhanahu wa Ta'ala).
Sinabi ni Allah ((Katiyakan, ipinadala Namin si Nûh (Alayhi-salam) sa kanyang sambayanan upang hikayatin sila tungo sa Kaisahan ng Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) at taos-puso na pagsamba lamang sa Kanya, na kanyang sinabi: “O aking sambayanan! Sambahin ninyo ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) nang Nag-iisa, magpasailalim kayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod, dahil wala kayong ‘ilâh’ o diyos na dapat sambahin bukod sa Kanya, at kapag hindi kayo sumunod at nanatili kayo kung gayon sa pagsamba sa mga rebulto, katiyakan, natatakot ako na mangyari sa inyo ang kaparusahan sa Dakilang Araw, na roon ay mayroong masidhing paghihirap para sa inyo, na ito ay sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”))( Al-a'ra'af:59)
At sinabi ni Allah ((At katiyakan, ipinadala Namin sa sambayanan ni `Âd ang kanilang kapatid na si Hud (Alayhi-salam), noong sila ay sumamba sa mga rebulto bukod sa Allâh, at sinabi niya sa kanila: “Sambahin ninyo ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) nang bukod-tangi, dahil wala kayong ‘ilâh’ o diyos na karapat-dapat sambahin bukod sa Kanya, na kung kaya, hindi ba kayo natatakot sa kaparusahan ng Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) at sa Kanyang galit sa inyo?”))(Al-a'ra'af:65)
At sinabi ni Allah ((At katiyakan, ipinadala Namin sa sambayanan ni Thamoud ang kanilang kapatid na si Sâleh (Alayhi-salam), noong sila ay sumamba ng mga rebulto bukod sa Allâh, at sinabi ni Sâleh (Alayhi-salam) sa kanila:
“O aking sambayanan! Sambahin ninyo ang Allâh (At katiyakan, ipinadala Namin sa sambayanan ni thamoud ang kanilang kapatid na si Sâleh (Alayhi-salam), noong sila ay sumamba ng mga rebulto bukod sa Allâh, at sinabi ni Sâleh (Alayhi-salam) sa kanila:
“O aking sambayanan! Sambahin ninyo ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) nang bukod-tangi! Wala kayong ‘ilâh’ o diyos na karapat-dapat sambahin bukod sa Kanya.) nang bukod-tangi! Wala kayong ‘ilâh’ o diyos na karapat-dapat sambahin bukod sa Kanya))(Al-a'ra'af:73).
Sinabi ni Allah ((At katiyakan, ipinadala Namin sa sambayanan ng Madyan ang kanilang kapatid na si Shu`ayb (Ayalhis-salam) at sinabi sa kanila: “O aking sambayanan! Sambahin ninyo ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) nang bukod-tangi na walang katambal; dahil wala kayong ‘ilâh’ o diyos na karapat-dapat sambahin bukod sa Kanya!))(Al-a'ra'af: 85)
Sinabi ni Allah ((At alalahanin mo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), noong sinabi ni Ibrâhim (Alayhi-salam) sa kanyang ama at sa kanyang sambayanan na sila ay sumasamba sa katulad ng sinasamba ng iyong sambayanan, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam): “Walang pag-aalinlangan, ako ay walang pananagutan sa inyo sa anuman na inyong sinasamba bukod sa Allâh.” Maliban sa Kanya na lumikha sa akin, dahil katiyakan, na walang pag-aalinlangan, gagabayan Niya ako sa pagsunod sa Daan ng Patnubay))( Al-zukhrof: 26-27).
At sinabi ni Allah ((Saksi ba kayo nang dumating ang kamatayan kay Ya`qûb (Alayhi-salam), nang kanyang tinipon ang kanyang mga anak at tinanong sila: “Sino ang inyong sasambahin kapag namatay na ako?” Sinabi nila sa kanya: “Sasambahin namin ang iyong ‘Ilâh’ (Diyos )– ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala), ang ‘Ilâh’ ng iyong mga magulang na sina Ibrâhim, Ismâ`il, at Ishâq; ang nag-iisang ‘Ilâh’ at sa Kanya lamang kami susunod at susuko bilang mga Muslim.”)) (Al-baqarah: 133)
At sinabi ni yusoof Alayhi-salam :((Ang pagsamba ba sa maraming diyus-diyusan na gawa lamang na tao ay mas nakabubuti kaysa sa Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) na ‘Al-Wâhid’ – ang Bukod-Tangi at Nag-iisa, na ‘Al-Qahhâr’ – ang Tagapagkuntrol (Tagapagpigil o Tagapagpuwersa) at Ganap na Makapangyarihan))(Yusoof : 39)
At ganyan din ang mensahe ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) sa sangkatauhan, sinabi ng Allah ((At hindi ka Namin ipinadala, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), kundi bilang Habag sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha, na kung kaya, sinuman ang maniwala sa iyo ay liligaya at maliligtas, at ang sino naman ang hindi maniwala sa iyo ay magdadalamhati at mabibigo. Sabihin mo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam): “Katiyakan, ang ipinahayag sa akin na siyang dahilan ng pagkakasugo sa akin, na katiyakang ang inyong ‘ilâh’ (o diyos na sinasamba) na Bukod-Tangi na karapat-dapat lamang na sambahin ay ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala), na kung kaya, sumuko kayo sa Kanya at sumunod kayo sa pamamagitan ng pagsamba lamang sa Kanya nang bukod-tangi.”))( Al-anbiya:107-108)
Ang propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) sinimulan niya ang kanyang mensahe sa makkah ng TAWHEED( ang kaisa-isahan ng Allah), inanyaya niya ang kanyang sambayanan na bigkasin nila ang (LA-ILAHA-ILLALLAH) at iwasan nila o layuan nila ang pagsamba ng mga rebulto, ngunit nagmamataas ang karamihan sa kanila at tumangging bigkasin ang diwa ng TAWHEED(LA-ILAHA-ILLALLAH), kaya sila'y tulad ng binanggit ni Allah (( katiyakan, sila na mga sumamba ng iba bukod sa Allâh noong sila ay nasa daigdig pa, kapag sinabi sa kanila: LA-ILAHA-ILLALLAH, ay nagmamataas sila. At kanilang sinasabi: “Tatalikuran ba namin ang pagsamba sa aming diyus-diyusan dahil lamang sa sinasabi ng manunula na ito na wala sa katinuan?” Na ang ibig nilang sabihin ay si Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), bilang pag-aalipusta at paninira))(As-Sa'affa'at:35-36). Sinagot sila ni Allah sa kanyang pagsabi ((Nagsinungaling sila, dahil hindi ang kanilang inaakala ang siyang katotohanan hinggil kay Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), kundi ang dala-dala niya ay katotohanan na Dakilang Qur’ân at Kaisahan ng Allâh (Subhanahu wa Ta'ala), at pinatotohanan niya ang mga Sugo sa anuman na kanilang mensaheng ipinarating mula sa batas ng Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) at sa Kanyang Kaisahan)) (As-Sa'affa'at:37).
Ang katagang TAWHEED ang banal na salitang ipinag-anyaya ng mga propetang nauna pa kay propeta Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam) at siya rin ang mensaheng ipinag-anyaya ng ating propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam).at naintindihan ng mga Quraysh (mga tao sa makkah) na ang TAWHEED ay nangangahulugang paglayo sa mga sinasambang huwad na bukod kay Allah (Subhanahu wa Ta'ala),marahil hindi magiging tunay ang TAWHEED kundi sa pag-iwas ng pagsamba ng iba bukod kay Allah ( As-shirk),at yan ang kahulugan ng LA-ILAHA-ILLALLAH.
At hadith mula kay Omar bin Khatta'b (Radhiyallahu Anhu) ang propeta ay nagsabi : (( pinahintulutan akong pumatay ng tao hangga't mabigkas niya ang LA-ILAHA-ILLALLAH, kung sinuman ang bumigkas ng LA-ILAHA-ILLALLAH ay ligtas na mula sa akin ang kanyang kayamanan at ang kanyang sarili maliban sa karapatang dapat niyang maibigay (hal. zakat ng kanikyang kayamanan) at ang kanyang gantimpala ay nasa kay Allah lamang.)) iniulat ni Al-bukhari at Muslim.
Nang ipadala ng propeta ang kanyang mga sulat sa mga hari ay inanyayahan niya sila sa kaisa-isahan ng Allah, mula kay ibno Abbas (radhiyallahu anhuma) ang propeta ay nagpadala ng sulat kay Hercules hari ng Roma ((Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal, mula kay Muhammad sugo ng Allah, para kay Hercules hari ng Roma, ang kapayapaan ay nasa taong sumusunod ng gabay at patnubay:
Katotohanan ika'y aking inanyayahan sa anyaya ng Islam, mag-islam ka ( yakapin mo ang islam) at ika'y papayapa, mag-islam ka (yakapin mo ang islam) bibigyan ka ni Allah ng dobleng biyaya, at kung ika'y aayaw at tatanggi nasa saiyo ang dusa ng iyong sambayanan ((O angkan ng kasulatan (‘Ahlul Kitâb’) – mga Hudyo at mga Kristiyano: “Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito (sa makatarungan at makatotohanang salita na ito): ito ay ang pagturing natin sa pagiging bukod-tangi ng Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) sa pagsamba sa Kanya, na hindi tayo gagawa ng anumang pagtatambal sa Kanya, na tulad ng mga imahen, rebulto o di kaya ay krusipiho o anumang uri ng sinasamba bukod sa Kanya; at hindi tayo susunod sa ibang batas o kagustuhan ng sinuman sa atin maliban sa kautusan ng Allâh (Subhanahu wa Ta'ala).”
At kapag sila ay tumanggi sa mabuting paghihikayat na ito. Sabihin ninyo – O kayong mga mananampalataya – sa kanila: “Tumestigo kayo sa amin na kami ay mga Muslim.)) (A'le-emran: 64)
Nagpadala rin ang propeta ng ganitong sulat sa Hari ng Persa, sa hari ng Egypt, sa hari ng Ethopia, at kay Jayfar at Iyaz angkan ng Julanda sa Oman, at kay Hauzata bin Ali sa Yamamah, at kay Munzir bin Sawa'a sa Hajar,at kay ibno abie Shamir Al-ghassa'ani, ang lahat ng mga ito ay hari sa panahon ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam). Sa saheehu Muslim; hadith mula kay Anas bin Malik (radhiyallahu anhu): katotohanan ang propeta (Sallallahu alayhi wa Sallam) ay nagpadala ng sulat na nag-aanyaya ng Islam sa lahat ng mga hari sa kapanahonan niya.
Hadith mula kay ibno Abbas (radhiyallahu anhuma) katotohanan ang propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) nang ipadala niya si Muadz bin Jabal sa Yemen ay nagwika :(( ikaw ay darating sa mga taong angkan ng kasulatan "AHLUL KITAB" mangyari ang una mong i-anyaya sa kanila ay ang kaisa-isahan ng Allah.
Ang TAWHEED ang susi ng pagpasok sa Islam, kung mawawala ang Tawheed ay hindi magiging Muslim ang tao, kung makakagawa ang tao ng nakakasira sa tawheed ay siya'y magiging "kafir" paganong labas sa Islam.
Hadith mula kay Muadz bin Jabal (radhiyallahu anhu) katotohanan ang propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay nagsabi ((Oh Muadz' alam mo ba ang karapatan ni Allah sa kanyang mga alipin))? Sabi ni Muadz: ang Allah at ang kanyang sugo lamang ang nakakaalam. Sabi ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam): ((karapatan ng Allah sa kanyang mga alipin na Sambahin siya ng bukod-tangi at hwag silang gagawa ng anumang pagtatambal sa kanya)). Nagkatapos; nagsabi ang propeta kay Muadz ( Oh Muadz' alam mo ba ang karapatan ng alipin kay Allah kung sila'y gagawa ng pagsamba))? Sabi ni Muadz' : ang Allah at ang kanyang sugo lamang ang nakakaalam. Sabi ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam): ((karapatan ng mga alipin kay Allah ay hwag silang parusahan kung sila'y gumawa ng pagsamba sa kaisa-isahan ni Allah.)) iniulat ni Al-Bukhari at Muslim.
Kung magsaksi ang alipin ng LA-ILAHA-ILLALLAH "walang diyos na dapat sambahin kundi ang Allah lamang" ay katotohanan pinagsaksihan din niya ang kahuwaran ng lahat ng mga sinasambang bukod kay Allah; at pinagsaksihan din niya ang kanyang sarili na hinding-hinding magsamba kundi kay Allah lamang at maging taimtim at taos-puso ang kanyang pagsunod sa relihiyon.
At yan ang Islam na siyang inutos ni Allah (Subhanahu wa Ta'ala) nagsabi ang Allah ((Sabihin mo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), sa mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh mula sa iyong sambayanan: “Katiyakan, ipinagbabawal sa akin na sambahin ang inyong dinadalanginan bukod sa Allâh, nang dumating sa akin ang mga malilinaw na mga palatandaan mula sa Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) na aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at inutusan Niya ako na magpasailalim, sumunod nang ganap na pagsunod para lamang sa Kanya, luwalhati sa Kanya na Siyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng mga nilalang.)) (Al-ghafir:66)
At sabi ni Allah ((At walang ipinag-utos sa kanila sa lahat ng batas sa kasulatan kundi sambahin lamang nila ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) na Bukod-Tangi, na ang kanilang hangarin sa kanilang pagsamba ay makatagpo nila ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala), na lumayo sila sa pagtatambal patungo sa tamang paniniwala, at isagawa nila ang ‘Salâh,’ at ibibigay nila ang kanilang ‘Zakâh,’ at ito ang Matuwid na ‘Deen’ (Relihiyon), na ito ay ang Islâm.))( Al-bayyenah : 5)
At sabi ni Allah ((maging taos-puso kayo sa inyong pagsamba na bukod-tangi lamang na para sa Kanya at gayundin sa panalangin, O kayong mga mananampalataya, at salungatin ninyo ang mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh, sa kanilang pamamaraan, kahit pa ito ay ikagagalit nila ay pabayaan ninyo sila))(Al-ghafir:14)
At sabi ni Allah ((Sabihin mo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam): “O kayong mga tao! Kung kayo ay nag-aalinlangan hinggil sa katotohanan ng aking ‘Deen,’ na rito ay hinihikayat ko kayo, na ito ay ang Islâm, at hinggil sa aking pagiging matatag dito, na naghahangad kayo na ito ay aking talikuran! Samakatuwid, dapat ninyong mabatid na katiyakang hindi ko sasambahin sa anumang pagkakataon ang sinuman mula sa mga sinasamba ninyo na mga diyus-diyusan at mga rebulto, bagkus ang sasambahin ko ay ang Allâh (Subhanahu wa Ta'ala) na Bukod-Tangi na Siyang nagsasanhi ng inyong kamatayan at kumukuha ng inyong mga kaluluwa, at ako ay inutusan na maging kabilang sa mga mananampalataya na naniniwala sa Kanya.” At ipinag-uutos na ituon mo, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpapakatuwid sa Relihiyon o ‘Deen’ ng Islâm, na huwag na huwag kang pumanig sa mga Hudyo, Kristiyano at sa mga nagtatambal o sumasamba ng iba bukod sa Allâh; at huwag mong ibilang ang iyong sarili sa mga nagtatambal sa pagsamba sa Allâh na iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, ng mga diyus-diyusan, kundi ay mapapabilang ka sa mga mapapahamak. At huwag kang manalangin, O Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam), sa kahit kaninuman bukod sa Allâh, na katulad ng mga rebulto at mga diyus-diyusan; dahil ang mga ito ay walang pakinabang at hindi nakapagdudulot ng kapahamakan, subali’t kapag ito ay ginawa mo at nanalangin ka ng iba bukod sa Allâh, ay walang pag-aalinlangang magiging kabilang ka sa mga ‘Mushrikin,’ na dinaya nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng ‘Shirk’ at kasalanan)) (Yunos : 104-106)
Buod ng ating pinag-aralan:
• Kahulugan ng LA-ILAHA-ILLALLAH : walang diyos na dapat sambahin kundi ang Allah lamang.
• Hindi magiging tunay ang Tawheed maliban sa pag-iwas at paglayo sa mga sinasambang huwad.
• Tayo'y nilikha upang tayo'y magsamba sa nag-iisang Allah na walang katambal.
• Sinuman ang sasamba ng maliban kay Allah ay pagano at "kafir" labas sa Islam.
• Lahat ng mga sugo ay inanyaya ang kanilang sambayanan sa kaisa-isahan ng Allah at pag-iwas sa mga huwad na sinasamba.
• Ugat ng mensahe ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay Tawheed, at ang unang anyaya niya sa kanyang sambayanan ay Tawheed, at siya'y nagpadala ng sulat na naglalaman ng Tawheed, at inutusan niya ang kanyang mga taga-sunod na una nilang ipahayag sa mga tao ang Tawheed.
• Ang Tawheed ay karapatang ni Allah sa kanyang mga alipin.
• Kung sinuman ang hindi pag-iisahin ang Allah ay hindi muslim, kahit sabihin pa niya na siya'y muslim.
أبو سلمى
_23 _March _2013هـ الموافق 23-03-2013م, 10:14 PM

· Kahulugan ng LA-ILAHA-ILLALLAH : walang diyos na dapat sambahin kundi ang Allah lamang.
· Hindi magiging tunay ang Tawheed maliban sa pag-iwas at paglayo sa mga sinasambang huwad.
· Tayo'y nilikha upang tayo'y magsamba sa nag-iisang Allah na walang katambal.
· Sinuman ang sasamba ng maliban kay Allah ay pagano at "kafir" labas sa Islam.
· Lahat ng mga sugo ay inanyaya ang kanilang sambayanan sa kaisa-isahan ng Allah at pag-iwas sa mga huwad na sinasamba.
· Ugat ng mensahe ng propeta (Sallallahu Alayhi wa Sallam) ay Tawheed, at ang unang anyaya niya sa kanyang sambayanan ay Tawheed, at siya'y nagpadala ng sulat na naglalaman ng Tawheed, at inutusan niya ang kanyang mga taga-sunod na una nilang ipahayag sa mga tao ang Tawheed.
· Ang Tawheed ay karapatang ni Allah sa kanyang mga alipin.
· Kung sinuman ang hindi pag-iisahin ang Allah ay hindi muslim, kahit sabihin pa niya na siya'y muslim.
vBulletin® v3.8.8, Copyright ©2000-2025,